Friday, August 12, 2016

Paulit ulit

Sometimes, frustration get the best of me. Ang dami kong beses na nainis ngayong linggo na to. And last week. Ang daming frustrations. Ang daming nagpapalabas ng anxiety attacks ko. At kahit ilampung beses akong magpilit maging chill lang at masaya, kapag naiisip ko ang sitwasyon, nawawala lahat.

Nasabi ko na bang ayokong hindi napapansin? Or at least, ma-acknowledge man lang ang trabaho ko. Whether sa professional na trabaho man yan, sa tulong ko, o kahit sa mga gawaing bahay lang.

I was raised to be a considerate person. And yes, thoughtful din ako minsan. Pero parang feeling ko na-corrupt na ang pagiging thoughtful ko. Nawala na. Dahil sa mga nangyayari sa paligid at mga tao sa paligid.

Ang hirap ng ganito. Lagi ako mag-isa. Ako lang ang gising sa gabi, at madalas kahit sa umaga. Madami ako nararamdaman, pero parang wala akong karapatan magreklamo. Bakit? Dahil yung mga nakapaligid sakin, mas madami na ang reklamo. Di na ko makasingit. Di na ko makadaing.

At kanina, inilabas ko lang ang mga nasa isip ko, naging masama pa pala. Kasi MAS ang iniisip nung pinagsabihan ko. MAS madaming nararamdaman. MAS madaming inaalala. So wala akong karapatan magsabi. Ang hirap ng hindi napapakinggan.

Ayoko mag-rant dito, dahil gusto ko sana, positive lang. Pero ang hirap din hindi magsabi ng nasa loob. Baka masiraan na ko. Yung anxiety attack ko nga, di ko alam kung pano tuluyang mawala eh. Ba't nga kaya ang tao, di nawawalan ng problema. Sabi nila, pag wala ka ng problema, ibig sabihin patay ka na. Di ba pwedeng maging masaya ka lang? Yung walang iniisip at walang inaalala? Kahit sandali lang.

Magulo isip ko ngayon. May mga dapat akong gawin right after ng trabaho ko ngayong umaga. Gusto ko pumunta kasi in reality, kailangan. Pero ayaw ko, dahil gusto ko lang maintindihan ng iba na importante din naman ako at maappreciate naman ang ginagawa ko. Mahirap ba yun?

Enough of this. At least dito man lang, nailabas ko. Hindi ko man i-publish, naisulat ko pa din.

1 comment:

  1. Hi dear,

    Thank you for this wonderful post. It is very informative and useful. I would like to share something here too. Lash therapy express hair bar & spa. We focus 100% on your lash needs and wants. Our main goal is the safety of your eyes. We make sure all tools are sanitized and in good repair. If you have any questions, don’t hesitate to contact us!

    mink eyelash extensions indianapolis

    ReplyDelete